/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

lyrics

Hindi nyo na kami mapapatahimi
(Milyon) milyon na kami, masdan ang paligid
'Di magtatakang pag masa inipit
Mas tatapang lamang ang leong pinilit
Na ihawla, busal sa bunganga
Sigaw makibaka, giba makinarya

Lansag tanikala, handa na sa martsa
Kasa na ang bala, sulo ay umaalab na

Hindi krimen ang magsiwalat ng baho nila
Hindi krimen ang maghayag ng pagkadismaya
Hindi krimen pag sinumpa ang pasistang ama
Hindi krimen kapag sinabi kong tangina ka

Oras nang punitin ang papel na tigreng mala-sedula
Pugad lawin na, kamao sa langit na
Buhos-galit na, pugot-hari na
Rebolusyon heto na o heto na o heto na

Hindi krimen ang ipamukhang halimaw ka
O magising sa mga krimen mong malinaw na
Salat man sa edukasyon danas ang nagturo
Ulo mo gugulong pag masa ay sumulong
Hindi magagapi ang paghahanap hustisya
Abante lahat kahit tuloy pamamasista
Dapat ng matakot pagkat wala ng bisa
Ang halang na bituka sa kalam ng sikmu(Ra)
(Ra) isang bala sa bawat napinsala mo
Malalaman ang mali mo sa mga magiging tama mo
Bibigyan ka ng leksyong mapait ang lasa
Tulad ng edukasyong pinagkait sa masa
Sa bawat bilanggo at ginago ng estado
Sa bawat pamilyang winasak at naglaho
Lahat magbabago pag lumaban ang dukha
Hanggang sa sila naman ang ating bawalang mag luksa

credits

from Kontrapuntal, Vol​.​1, released October 20, 2020

license

all rights reserved

tags

about

Panday Sining Music Collective Philippines

Ang 'Kontrapunto' ay disiplinang pang-musika ng Panday Sining.

Sumali ng Kontrapunto! Sumali ng Panday Sining!

contact / help

Contact Panday Sining Music Collective

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like Panday Sining Music Collective, you may also like: