/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

lyrics

Kami ang mga gulong ng lipunan.
Mga gulong na itinapon sa estero, sa ilalim ng mga tulay
walang mahanap na hanap buhay,
habang buhay sa utang ay nakabaon,
pinagkaitan ng pagkakataon.

Kami ang naghahapag ng kanin sa inyong hapag-kainan,
walang makain, ni walang sariling hapag-kainan.
Kailan lalaya?

Kaming mga gulong na nagpapaandar sa papaatras na lipunan,
nakatali sa inuupahang lupa sa mala-pyudal na kulungan.

Kaming mga gulong na siya ring sinasagasaan,
kung saan-saan naghahanap ng awa, kinakawawa, sinusuka,
nilulunod, nilululong.

Kaming mga gulong pinapa-ikut-ikot sa kamay na bakal,
nangangalakal ng bakal para may matakal,
nanlilimos ng masisilungan
sa kanilang sagad sa pagkaganid, sagana sa ganansya,
nagpapasasa sa salaping ang nagpakahirap ay kaming mahihirap!

Nagpapakasarap ang mga kurap, mga kumprador, kunsintidor
mga panginoong gastador, at mga dayuhang kubrador.

Sila ang may hawak ng manibela nitong sinasakyan nating trak ng
nabubulok na sistema, nakasusulasok na sistema,
pa-ikut-ikot na sistema, pa-ulit-ulit na sistema,

Hilong-hilo, kaming mga gulong na tunay na nagpapaandar ng sistema.

Kaya't oras na! Agawin ang manibela!

Gugulong, mala-daluyong ang pagsulong, kaming mga gulong
tulong-tulong, kapit-bisig, lalaban
magpipiket sa mga plantasyon at pagawaan,
ookupahin ang mga tiwangwang na pabahay,
bubuwagin ang hacienda ng mga panginoon,
mag-aarmas sa kanayuna't kabundukan,
papandayin ang bagong lipunan
at lilikhain ang kasaysayan.

Di na tayo pahihirapan, dahil hindi tayo papayag na pahirapan.
Aahon tayo sa kahirapan at wala tayong ibang aasahan kung hindi
tayo tayo rin. Tayo tayo rin, mga gulong ng lipunan.

credits

from Kontrapuntal, Vol​.​1, released October 20, 2020

license

all rights reserved

tags

about

Panday Sining Music Collective Philippines

Ang 'Kontrapunto' ay disiplinang pang-musika ng Panday Sining.

Sumali ng Kontrapunto! Sumali ng Panday Sining!

contact / help

Contact Panday Sining Music Collective

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like Panday Sining Music Collective, you may also like: