Hanggang Saan Mo Kaya Lumaban

from Kontrapuntal, Vol​.​1 by Panday Sining Music Collective

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

lyrics

Mausok na streets saka maugong na beat
Alam mong may nakaabang kapag umabot sa mid
Alamin mo kapatid kung bakit may kahirapan
Dahil sa papel na ang gumawa ay tao lamang
Upang lumamang, lupang matabang
Ano ba ang kayamanan? Ako’y tulalang
Napaisip kung ano ang tunay na kasiyahan
Ito’y pera ba o ang tunay nating kalayaan
Kapitalistang sakim ang dahilan ng gyera
Presidenteng dumating ang mukha ng pera
Madali magsalita at madali lang din tumawa
Hanggang ikaw makaranas mawalan na ng biyaya
Sapagkat ang sistema natin ay kontrolado
Mayayaman lumolobo ang pera sa bangko
Botohan pagpili ng sunod na manggagago
Papaltan lang ang mukha wala namang nagbago

Hook:
Hanggang saan mo kaya lumaban? Hanggang mamatay 4x

1:16

Di porket mas matanda ay mas madami nang alam
Kaya minsan gusto ko nalang sumagot ng pabalang
Ba’t kita rerespetuhun kung hindi ka rumespeto
Ang konsepto kasi ng edukasyon ay nakasentro
Sa pagpapayaman ng mga kapitalista
Handa ka ba talagang habang buhay maging alila
Mas tinuturo pa ingles kesa sa sariling wika
Bawal magtagalog sa silid, limang piso ang multa
Naknamputa, kakasura, taas ng ekspektasyon nakakalula
Kaya gumagawa akong daan sa pluma
Baka sakaling magbago sistema na basura
Madami nanamang galit sayo ay naku po
Madami talagang galit pag nagsabi ng totoo
Mas madali kasi na tanggapin habang nakayuko
Ang sistemang bulok na hinahain nang nakaupo

Hook:
Hanggang saan mo kaya lumaban? Hanggang mamatay 4x

Mabuti pa ang pera, merong tao
Samantalang ang tao, wala nang pera
Kahit sinong magmaneho sa sistema na sira
Ang makikinabang lang din sa sistema ay sila
Propaganda lamang para gumanda ang imahe
Tayo ay mangmang pa sa ngayon kaya nadale
Utang na loob ba ay normal na salita?
Kung saan bilang mo ang magaganda mong ginawa?
Sa iba, kaila, masarap din magbida
Alam mong isa ka, kahit na itanggi pa
para sa bayan naging para sa sarili
Tumingin sa salamin tignan natin kung di mandiri
Panatang makabayan nga ba natin ay panata
O saulo mo lang yan dahil kailangan sa eskwela
Hanggang san mo ba kaya ilaban prinsipyo mo?
Hanggang magalit sila dahil ito ang totoo

Hook:
Hanggang saan mo kaya lumaban? Hanggang mamatay 4x

credits

from Kontrapuntal, Vol​.​1, released October 20, 2020

license

all rights reserved

tags

about

Panday Sining Music Collective Philippines

Ang 'Kontrapunto' ay disiplinang pang-musika ng Panday Sining.

Sumali ng Kontrapunto! Sumali ng Panday Sining!

contact / help

Contact Panday Sining Music Collective

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like Panday Sining Music Collective, you may also like: