Tikom ang bibig
Sumunod naman ako nung inutusan nila akong lumuhod sa sahig
Bitbit gamot ng inang
Di naman ako lumaking delingkwente
Panganay sa lima kaya silang lahat sakin naka depende
Kayod kalabaw upang ma-permanente
Sa trabahong barya lang ang sahod tuwing asingko at abente
Tahimik na binabaybay ang pauwi
Sa bahay namin na tanaw ko na sa kanto pag tawid
Nang bigla akong harangin ng anim na naka unipormeng may masamang hangarin
"Pauwi na ho", paliwanag ko
"Bumili lang sa butika ng gamot ng ina ko"
Nilabag daw ang batas sa pag labas ko sa gabi
Sa respetong pinakita ko, dahas ang sinukli
Lupaypay na ang katawan
Sa pambubugbog nila PO1
Tinratong kawatan ang pinaka mapagmalasakit na anak ni Aling Marie Ann
Hirap na huminga nung aking madamang may sinisilid saking bulsa'ng 'sa sakanila
At nakarinig nalamang ako ng putok
Pasensya na inay kung hindi ko naabot sayo ang yong gamot
Bakit nga ba sobrang labo
Naglilingkod nga ba para kanino
Pinapatay na lang kahit na sino
Ano bang naging kasalanan ko?
Tila eksena sa senakulo
Pang-aabusong di na hihinto
Kaya't palaging may Pieta
Mga ina ay nagluluksa
Biktima lagi ay maralita
Kalawang sa sirang sistema
Gabi gabi ay may Pieta
Itikom ang bibig
Matawa-tawa kami habang minamasdan kang nakaluhod diyan sa sahig
At nagmamakaawa
Para nga kaming kinikiliti sa tuwing makikita ka naming namimilipit sa sakit
Kay sarap maramdaman na mas angat ako sayo dahil sa aking katungkulan
Ang manilbihan at protektahan ang bayan ay palamuti lang sa uniporme kong suot
Kung ramdam mong ligtas ka sa presensya namin ay nagkamali ka ng kutob
Handa kang itaob, isang basyo sa bunbunan kapag hindi ka sumunod
Sabi ko gawin mo ang mga gusto ko upang matubos ang kalayaan mo
PAKE KO SA INA MO
Ako'y lisensyadong pumatay, salamat kay tatay "D"
Mag-aatubiling taniman ka ng ebidensya
Konsensya'y matagal nang winaksi
Bukas, sa radyo, sa dyaryo
Sasabihin kong ikaw ay nanlaban
Napakadaling kalabitin ng gatilyo
Tapos kami pa ang paparangalan
Hugas ng kamay kapag nakapatay
Tawa na lang kapag may lamay
Buhay ng iba tila mani na lamang
Di kami titigil
Kung pulis man ang pumigil
Ang lahat at magsasama
Para sa bulok niyong sistema
The band's latest project includes twenty-eight new short songs that clock-in at no longer than just under three minutes. Bandcamp New & Notable May 15, 2020
Grizzly Bear’s classic debut gets a 15th anniversary vinyl reissue, with a digital companion featuring a bevy of remixes. Bandcamp New & Notable Jan 12, 2020
The latest from Papercuts is another batch of bright, melodic, ’60s-influenced pop songs with driving, heart-on-sleeve vocals. Bandcamp New & Notable Aug 16, 2018