We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.
/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

lyrics

Umuwi na ba?
Pauwi na ba?

Tulog pa sila, paalis na ‘ko,
naunahan pa ‘yung araw;
almusal ko ‘yung bahaw,
agawan ng jeep patrabaho,
at trapik pa sa may Kalaw,
halos hindi na ko umuwi,
puro na lang ako dalaw
sa tahanang maliit

Kada buwan, limang libo inuuwi ko,
sakit balikat, likod, at ulo,
malaki na raw, ba't ba ako nagrereklamo?
Talagang tiis trabaho; talagang linis ang baho
ng boss na Amerikano,
Kontraktwal, arkiladong katawan
binibigay lahat mula balat hanggang laman,
Hanap naman ng bago pagtapos ng ilang buwan
ginagawa lahat magkalaman lang ang tiyan

Magkano nga ba ang salapi?
Magtrabaho nga ba o magpa-api, hanggang labi?
Hanggang kami’y, mabuhay nang maayos
Hanggang sa makaraos, mula umaga hanggang gabi

Natutong makipag sapalaran,
kahit parang ito na ‘yung kapalaran
na kaya kong abutin
kahirapan ay sakit na ‘di ko kayang gamutin,
kahit ano pang gawin,
kahig lang hanggang hindi lang kanin ang tutukain

Kasalanan ko raw kasi hindi nakatapos
at kayod-kalabaw, nakakapamintig sa pagod;
nalulunod pero sumusuong pa rin sa agos,
parang kailangang sumigaw para lang ‘di mapaos;

Mata’y kumukurap
pahinga ay hindi sapat
kahit pa magpanggap
ramdam ko ang ‘yong hirap

Biglang nagkasakit, lumiban pasaglit
‘di magkamayaw ilang araw di gumagaling
naipon ang gawain, amo'y galit na sakin
sisante'ng abot kung hindi kayanin pang habulin

Sa ala-ala ka na lang nakakasama
Sa presensya mo‘y nangungulila
Para saan pa ba ang pera
kung buhay pala natin ang nakataya?

Ako'y inubos, inabuso
tila bumaliktad at bumagal ang mundo
naduduwal, umaakyat ang dugo
sinugal ko na lahat, talagang desperado
Umaapaw, nangibabaw ang kailangan
ng mga nakatira sa' ming tahanan
Tuloy na nanghihina sa pinagdaanan
Ako'y minalas, ako pa may kasalanan
Kasalanan pagkalaban sa mga nagmamay-ari
at hariharian
Pinatulan kahit delikado na gawain
itutuloy pa rin para lang merong maihain
Magkano nga ba ang salapi?
Magtrabaho nga ba o magpaapi?
Dapat itama ang mga mali
Buhay ko ba'y katumbas ng salapi?

Hinahanap-hanap kung saan
maaaring naroon ang anino mo dahil
hindi na masilayan ang dating tahanan
at walang kasagutan kung ikaw ba ay uuwi pa

credits

from Kontrapulis, released May 1, 2021

license

all rights reserved

tags

about

Panday Sining Music Collective Philippines

Ang 'Kontrapunto' ay disiplinang pang-musika ng Panday Sining.

Sumali ng Kontrapunto! Sumali ng Panday Sining!

contact / help

Contact Panday Sining Music Collective

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like Panday Sining Music Collective, you may also like: