We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Kontrapuntal, Vol​.​1

by Panday Sining Music Collective

supported by
/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

1.
Busal 03:06
Hindi nyo na kami mapapatahimi (Milyon) milyon na kami, masdan ang paligid 'Di magtatakang pag masa inipit Mas tatapang lamang ang leong pinilit Na ihawla, busal sa bunganga Sigaw makibaka, giba makinarya Lansag tanikala, handa na sa martsa Kasa na ang bala, sulo ay umaalab na Hindi krimen ang magsiwalat ng baho nila Hindi krimen ang maghayag ng pagkadismaya Hindi krimen pag sinumpa ang pasistang ama Hindi krimen kapag sinabi kong tangina ka Oras nang punitin ang papel na tigreng mala-sedula Pugad lawin na, kamao sa langit na Buhos-galit na, pugot-hari na Rebolusyon heto na o heto na o heto na Hindi krimen ang ipamukhang halimaw ka O magising sa mga krimen mong malinaw na Salat man sa edukasyon danas ang nagturo Ulo mo gugulong pag masa ay sumulong Hindi magagapi ang paghahanap hustisya Abante lahat kahit tuloy pamamasista Dapat ng matakot pagkat wala ng bisa Ang halang na bituka sa kalam ng sikmu(Ra) (Ra) isang bala sa bawat napinsala mo Malalaman ang mali mo sa mga magiging tama mo Bibigyan ka ng leksyong mapait ang lasa Tulad ng edukasyong pinagkait sa masa Sa bawat bilanggo at ginago ng estado Sa bawat pamilyang winasak at naglaho Lahat magbabago pag lumaban ang dukha Hanggang sa sila naman ang ating bawalang mag luksa
2.
Naranasan mo na ba mangarap ng todo Kahit parang suntok sa bwan na para bang lotto Sa tagay malboro, ang pakay na oto Pahirapan na mag-igib, masanay sa poso Gusto lang ng karamihan ay maging malaya Mangarap kaso ang mundo natin ay madaya Kung saan nasa taas ay libre lang pumatay Nasasaktan ka ba? Okay lang libre na umaray Anong magagawa mo kung sistema ay sira na Sa dagat daming nagkalat ang daming buwaya Pulis, kakampi, kaaway, tinik o biyaya? Ingat baka tamaan ng pana ni Mirana ‘Di tamang hinala, ito’y nakakaawa Ang dami nang sumisigaw ng bigas hindi bala Baliktarin ang tatsulok ay hindi gumagana At terorista ang tingin sa nakikibaka Walang pagbabagong nakikita sa streets Pataasan, pagalingan, flex ng pera, repeat Pambabastos sa babaeng maiksi ang damit Ang paghingi ng tulong lagi meron nang kapalit At tingin sa may bisyo palagi ay perwisyo Porket may tattoo ay adik ilagay na sa nitso At walang mali sa sex at gumagawa ng video Ang mali ikalat mo yun ng wala nang permiso Tignan mo ngang mabuti nasa dulo ng tape Presidente nagbiro pa sa babaeng narape Yan ba ang dapat hangaan aba teka lang, wait Nasan mali kung pasimuno pa may suot ng cape At sa ulo ng stage, hindi ka ba nababanas Ang kakampi hindi kulong, kapag mahirap may batas Nakakasawang palabas kailan pa ang pagbabago Ang buhay ay laro ng chess, may hari sa palasyo Sila din manlalaro, at tayo ang pawn Sila lahat mga ama, tapos tayo ang ampon Umasa na umambon baka mapaso ka sa init Kailangan magingay din minsan kesa manahimik Ingat din sa gilid, meron dyang kapitalista Gagamitin ka at mas animal pa dyan kay Batista Kung hindi mo nakikita, ito ang tatsulok Ito’y sistema na hindi na magbabago ang tunog
3.
Mga animal na natutong mag uniporme Pag tumatakbo laging merong bitbit na sobre Saksak ang sukli sa so-called tulong niyo na konte Daig ko mga hayop bitch malabo niyong ma-onse Fuck the police, that's the first thing to know Don't ask for a weed, I have nothing to show You make us all bleed, tapos kayo pa galit All you do is just steal, tapos kami pa may utang Nagsama mga pussy't mga tuta Mga operasyong kaduda duda Sino ba namang magtitiwala sa mga harap harapang sinungaling Mga baboy amputa Anlalakas pumarty, chief dont get too cocky Lam mo namang you just can't stop me Shut the fuck up parasitikong Kakie Kiti-kiti ka lang ng milyonaryo mong daddy
4.
Ipinasa na ang Terror Bill, bakit takot ka ba? kasi takot din kami, pero wag kang mag alala hindi para maging kampante, isa 'tong babala Pag tinulak mo pa kame, bibig mo ang bubula Pula o dilaw, kami lahat natuto na Isa isang bumitaw, hindi na sila natutuwa Mga tagahanga mo'ng isa isang nagluluksa Habang walang makain ikaw tiba tiba ang bulsa Iba iba ang hulma, pero iisang amoy Humanda ka pag ang galit namin magmimistulang apoy Tutang abnoy, mga Pilipino lang ang kaya mong tutukan ng baril Bahag ang buntot sa dayuhan, nuknukan ng taksil Kaya humanda ka pag ang kalam ng sikmurang hindi kadalasang naririnig lumakas at yumanig, nabitak ang sahig Stampede yun ng taumbayang gusto kang mapatalsik
5.
Ta(y)o Po 04:38
6.
Kubkuban 04:18
Tutang ulol sa hating gabi Kung tumahol, nakakabingi Mga halang mong tratado Sa mga kano, umaamo Tutang terorista todo gera Namamaslang ng magsasaka Puro salita, puro kontra-droga Sa mamamayan pa kumokota Wala nang naniniwala Wala nang naniniwala Wala nang naniniwala Tutang terorista todo gera Namamaslang ng magsasaka Puro salita, puro kontra-droga Sa mamamayan pa kumokota Wala nang naniniwala Wala nang naniniwala Wala nang naniniwala Sayo Sasamain ang sino mang magtatangka Ikaw ang susuko sa kubkuban Ika'y bababa o babaliktad Babaliktad Lupang inangkin Babawiin ng rebolusyon Ikaw ang susuko sa kubkuban Ika'y bababa o babaliktad Babaliktad
7.
Mausok na streets saka maugong na beat Alam mong may nakaabang kapag umabot sa mid Alamin mo kapatid kung bakit may kahirapan Dahil sa papel na ang gumawa ay tao lamang Upang lumamang, lupang matabang Ano ba ang kayamanan? Ako’y tulalang Napaisip kung ano ang tunay na kasiyahan Ito’y pera ba o ang tunay nating kalayaan Kapitalistang sakim ang dahilan ng gyera Presidenteng dumating ang mukha ng pera Madali magsalita at madali lang din tumawa Hanggang ikaw makaranas mawalan na ng biyaya Sapagkat ang sistema natin ay kontrolado Mayayaman lumolobo ang pera sa bangko Botohan pagpili ng sunod na manggagago Papaltan lang ang mukha wala namang nagbago Hook: Hanggang saan mo kaya lumaban? Hanggang mamatay 4x 1:16 Di porket mas matanda ay mas madami nang alam Kaya minsan gusto ko nalang sumagot ng pabalang Ba’t kita rerespetuhun kung hindi ka rumespeto Ang konsepto kasi ng edukasyon ay nakasentro Sa pagpapayaman ng mga kapitalista Handa ka ba talagang habang buhay maging alila Mas tinuturo pa ingles kesa sa sariling wika Bawal magtagalog sa silid, limang piso ang multa Naknamputa, kakasura, taas ng ekspektasyon nakakalula Kaya gumagawa akong daan sa pluma Baka sakaling magbago sistema na basura Madami nanamang galit sayo ay naku po Madami talagang galit pag nagsabi ng totoo Mas madali kasi na tanggapin habang nakayuko Ang sistemang bulok na hinahain nang nakaupo Hook: Hanggang saan mo kaya lumaban? Hanggang mamatay 4x Mabuti pa ang pera, merong tao Samantalang ang tao, wala nang pera Kahit sinong magmaneho sa sistema na sira Ang makikinabang lang din sa sistema ay sila Propaganda lamang para gumanda ang imahe Tayo ay mangmang pa sa ngayon kaya nadale Utang na loob ba ay normal na salita? Kung saan bilang mo ang magaganda mong ginawa? Sa iba, kaila, masarap din magbida Alam mong isa ka, kahit na itanggi pa para sa bayan naging para sa sarili Tumingin sa salamin tignan natin kung di mandiri Panatang makabayan nga ba natin ay panata O saulo mo lang yan dahil kailangan sa eskwela Hanggang san mo ba kaya ilaban prinsipyo mo? Hanggang magalit sila dahil ito ang totoo Hook: Hanggang saan mo kaya lumaban? Hanggang mamatay 4x
8.
Kami ang mga gulong ng lipunan. Mga gulong na itinapon sa estero, sa ilalim ng mga tulay walang mahanap na hanap buhay, habang buhay sa utang ay nakabaon, pinagkaitan ng pagkakataon. Kami ang naghahapag ng kanin sa inyong hapag-kainan, walang makain, ni walang sariling hapag-kainan. Kailan lalaya? Kaming mga gulong na nagpapaandar sa papaatras na lipunan, nakatali sa inuupahang lupa sa mala-pyudal na kulungan. Kaming mga gulong na siya ring sinasagasaan, kung saan-saan naghahanap ng awa, kinakawawa, sinusuka, nilulunod, nilululong. Kaming mga gulong pinapa-ikut-ikot sa kamay na bakal, nangangalakal ng bakal para may matakal, nanlilimos ng masisilungan sa kanilang sagad sa pagkaganid, sagana sa ganansya, nagpapasasa sa salaping ang nagpakahirap ay kaming mahihirap! Nagpapakasarap ang mga kurap, mga kumprador, kunsintidor mga panginoong gastador, at mga dayuhang kubrador. Sila ang may hawak ng manibela nitong sinasakyan nating trak ng nabubulok na sistema, nakasusulasok na sistema, pa-ikut-ikot na sistema, pa-ulit-ulit na sistema, Hilong-hilo, kaming mga gulong na tunay na nagpapaandar ng sistema. Kaya't oras na! Agawin ang manibela! Gugulong, mala-daluyong ang pagsulong, kaming mga gulong tulong-tulong, kapit-bisig, lalaban magpipiket sa mga plantasyon at pagawaan, ookupahin ang mga tiwangwang na pabahay, bubuwagin ang hacienda ng mga panginoon, mag-aarmas sa kanayuna't kabundukan, papandayin ang bagong lipunan at lilikhain ang kasaysayan. Di na tayo pahihirapan, dahil hindi tayo papayag na pahirapan. Aahon tayo sa kahirapan at wala tayong ibang aasahan kung hindi tayo tayo rin. Tayo tayo rin, mga gulong ng lipunan.
9.
10.
Dismantle 01:24
The victims became subjected to this deity I say dismantle all properties from high society Cuttin of the hyphens, all the creds Call offense to trample the fence Its heaven sent, cops religiously rattin out "friends" Happy meal with an ak as a gift Carrying the AB, PS, HQ is the illest Papatayin ko ang aking amo gamit bolo Baunin ko sa pozo negro Paulit ulit mga pausong kulit Pasistang rehimeng dapat pabagsakin Tearin off the flesh of those thicked skinned- motherfuckers. Terminate the hubris of the comprador No boundaries and no masters Walang liberal ang kayang pahintuin ang aking aksyon. I-redistribute niyong sakim sa yaman at meron pa bukod don. Probably you could help out, mobilize with us The true terrorist come in disguise, all army green in leather is the takeway Dont you ever feel scared and hide from the fear, all you have to do is be brave Lets fight this together

about

Inihahandog ng Kontrapunto, ang disiplinang pang-musika ng Panday Sining ang 'Kontrapuntal Vol.1'. Sa bawat paggalaw na kontrapuntal ay mayroong iba't ibang indayog at himig ngunit nagkakaisa at nagrerespetuhan para sa iisang layunin: marahas na paghihimagsik para sa tunay na pagbabago.

Sumali sa Kontrapunto!
Sumali sa Panday Sining!

credits

released October 20, 2020

license

all rights reserved

tags

about

Panday Sining Music Collective Philippines

Ang 'Kontrapunto' ay disiplinang pang-musika ng Panday Sining.

Sumali ng Kontrapunto! Sumali ng Panday Sining!

contact / help

Contact Panday Sining Music Collective

Streaming and
Download help

Report this album or account

If you like Panday Sining Music Collective, you may also like: