We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.
supported by
/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

1.
Salapi 04:39
Umuwi na ba? Pauwi na ba? Tulog pa sila, paalis na ‘ko, naunahan pa ‘yung araw; almusal ko ‘yung bahaw, agawan ng jeep patrabaho, at trapik pa sa may Kalaw, halos hindi na ko umuwi, puro na lang ako dalaw sa tahanang maliit Kada buwan, limang libo inuuwi ko, sakit balikat, likod, at ulo, malaki na raw, ba't ba ako nagrereklamo? Talagang tiis trabaho; talagang linis ang baho ng boss na Amerikano, Kontraktwal, arkiladong katawan binibigay lahat mula balat hanggang laman, Hanap naman ng bago pagtapos ng ilang buwan ginagawa lahat magkalaman lang ang tiyan Magkano nga ba ang salapi? Magtrabaho nga ba o magpa-api, hanggang labi? Hanggang kami’y, mabuhay nang maayos Hanggang sa makaraos, mula umaga hanggang gabi Natutong makipag sapalaran, kahit parang ito na ‘yung kapalaran na kaya kong abutin kahirapan ay sakit na ‘di ko kayang gamutin, kahit ano pang gawin, kahig lang hanggang hindi lang kanin ang tutukain Kasalanan ko raw kasi hindi nakatapos at kayod-kalabaw, nakakapamintig sa pagod; nalulunod pero sumusuong pa rin sa agos, parang kailangang sumigaw para lang ‘di mapaos; Mata’y kumukurap pahinga ay hindi sapat kahit pa magpanggap ramdam ko ang ‘yong hirap Biglang nagkasakit, lumiban pasaglit ‘di magkamayaw ilang araw di gumagaling naipon ang gawain, amo'y galit na sakin sisante'ng abot kung hindi kayanin pang habulin Sa ala-ala ka na lang nakakasama Sa presensya mo‘y nangungulila Para saan pa ba ang pera kung buhay pala natin ang nakataya? Ako'y inubos, inabuso tila bumaliktad at bumagal ang mundo naduduwal, umaakyat ang dugo sinugal ko na lahat, talagang desperado Umaapaw, nangibabaw ang kailangan ng mga nakatira sa' ming tahanan Tuloy na nanghihina sa pinagdaanan Ako'y minalas, ako pa may kasalanan Kasalanan pagkalaban sa mga nagmamay-ari at hariharian Pinatulan kahit delikado na gawain itutuloy pa rin para lang merong maihain Magkano nga ba ang salapi? Magtrabaho nga ba o magpaapi? Dapat itama ang mga mali Buhay ko ba'y katumbas ng salapi? Hinahanap-hanap kung saan maaaring naroon ang anino mo dahil hindi na masilayan ang dating tahanan at walang kasagutan kung ikaw ba ay uuwi pa
2.
Makiakab 02:48
Fuck all the cops! Oo kayong lahat! Sa pandadahas lagi kayong panatag! ACAB ACAB! Fuck all the cops! Tuta ng estado ay ibabagsak Wala nang baboy sa koral nasa Crame sila Nagaabang sa utos ng inutil ama Hinding hindi magagapi Manggagawang tulad ko Hinihiram mo lang ang tapang sa sandatang dala nyo Buwayang malaki ang tiyan ulo ay walang laman Laruang tau-tauhan ng naghari-harian Masama bang ipaglaban aking karapatan Kung hustisya para lamang sa mga mayaman Fuck all the cops! Oo kayong lahat! Sa pandadahas lagi kayong panatag! ACAB ACAB! Fuck all the cops! Tuta ng estado ay ibabagsak All cops panay, aswang gumalamay Pag 3 o clock, o tulog sa bahay Di lang tanim ang kanilang pakay Game ring bastusin maski ang lamay Bumwelta sa unyon, dyan sila sinanay Balik nyo mga tropang hinatak palabas ng hanay! May basbas sa taas porma ng pagpatay Tapos no sweat lang magkadugo sa kamay? Fuck all the cops! Oo kayong lahat! Sa pandadahas lagi kayong panatag! ACAB ACAB! Fuck all the cops! Tuta ng estado ay ibabagsak Sagot! Sagot! Sa kahirapan Mga pulis, titimbuwang sa lansangan! Pumapatay ng mga manggagawang makabayan! Tinakdang protektor ng gahamang mayayaman! Pagkatao niyo'y talagang nakakadiri Tuta at alipin ng naghaharing uri Isa tatlo at isa dalawa Pulis mabuti lang pag sya'y patay na
3.
Tiktok 04:01
Tikom ang bibig Sumunod naman ako nung inutusan nila akong lumuhod sa sahig Bitbit gamot ng inang Di naman ako lumaking delingkwente Panganay sa lima kaya silang lahat sakin naka depende Kayod kalabaw upang ma-permanente Sa trabahong barya lang ang sahod tuwing asingko at abente Tahimik na binabaybay ang pauwi Sa bahay namin na tanaw ko na sa kanto pag tawid Nang bigla akong harangin ng anim na naka unipormeng may masamang hangarin "Pauwi na ho", paliwanag ko "Bumili lang sa butika ng gamot ng ina ko" Nilabag daw ang batas sa pag labas ko sa gabi Sa respetong pinakita ko, dahas ang sinukli Lupaypay na ang katawan Sa pambubugbog nila PO1 Tinratong kawatan ang pinaka mapagmalasakit na anak ni Aling Marie Ann Hirap na huminga nung aking madamang may sinisilid saking bulsa'ng 'sa sakanila At nakarinig nalamang ako ng putok Pasensya na inay kung hindi ko naabot sayo ang yong gamot Bakit nga ba sobrang labo Naglilingkod nga ba para kanino Pinapatay na lang kahit na sino Ano bang naging kasalanan ko? Tila eksena sa senakulo Pang-aabusong di na hihinto Kaya't palaging may Pieta Mga ina ay nagluluksa Biktima lagi ay maralita Kalawang sa sirang sistema Gabi gabi ay may Pieta Itikom ang bibig Matawa-tawa kami habang minamasdan kang nakaluhod diyan sa sahig At nagmamakaawa Para nga kaming kinikiliti sa tuwing makikita ka naming namimilipit sa sakit Kay sarap maramdaman na mas angat ako sayo dahil sa aking katungkulan Ang manilbihan at protektahan ang bayan ay palamuti lang sa uniporme kong suot Kung ramdam mong ligtas ka sa presensya namin ay nagkamali ka ng kutob Handa kang itaob, isang basyo sa bunbunan kapag hindi ka sumunod Sabi ko gawin mo ang mga gusto ko upang matubos ang kalayaan mo PAKE KO SA INA MO Ako'y lisensyadong pumatay, salamat kay tatay "D" Mag-aatubiling taniman ka ng ebidensya Konsensya'y matagal nang winaksi Bukas, sa radyo, sa dyaryo Sasabihin kong ikaw ay nanlaban Napakadaling kalabitin ng gatilyo Tapos kami pa ang paparangalan Hugas ng kamay kapag nakapatay Tawa na lang kapag may lamay Buhay ng iba tila mani na lamang Di kami titigil Kung pulis man ang pumigil Ang lahat at magsasama Para sa bulok niyong sistema
4.
5.
Mayday 03:30

about

Produced by: Panday Sining Music Collective
Featuring: "Mayday" by Space Babies (Space Baby)

credits

released May 1, 2021

license

all rights reserved

tags

about

Panday Sining Music Collective Philippines

Ang 'Kontrapunto' ay disiplinang pang-musika ng Panday Sining.

Sumali ng Kontrapunto! Sumali ng Panday Sining!

contact / help

Contact Panday Sining Music Collective

Streaming and
Download help

Report this album or account

If you like Panday Sining Music Collective, you may also like: